Inihayag ng mga otoridad na isang lalaki nag nasawi matapos umanong aksidenteng mabaril ito ng kanyang kaibigan sa bayan ng Libungan sa Cotabato province at ang dahilan umano ay napagkamalan umano ang biktima na unggoy.
Ayon sa paunang ulat, ikinuwento ng kaanak ng biktima na nagkayayaan sila ng kaniyang kaibigan sa bundok para mangaso at nang nasa masukal na lugar na sila, napagkamalan ng kaniyang kaibigan na isang unggoy ang biktima kaya siya binaril.
Hindi na naisugod pa sa ospital ang biktima dahil malayo ang kanilang napuntahan sa bundok.
Bilang mga miyembro ng tribong Arumanen Manobo, ang kanilang mga tribal leader ang nag-ayos ng problema.