Inamin ng aktres na si Jillian Ward na kahit 18 years old na siya ay ayaw pa rin niyang tumanggap ng mga suitors dahil talagang mas nais niayng mag-focus sa kanyang showbiz career at sa kanyang pag-aaral.
Pero ayon sa dalaga, hindi naman maiaalis na hindi siya magka-crush, at aminado siyang mayroon siyang “real-life” crush at talagang nag-e-enjoy daw talaga siya kapag magkasama sila.
“Aaminin ko po, siyempre hindi ko rin po maiwasan magka-crush din talaga,” sabi ni Jillian sa isang online interview. “I’m gonna be very honest, parang nagkakaroon po ako ngayon ng real-life crush, pero hindi ko aaminin. Hindi ko aaminin kahit kanino kung sino ‘yun.”
“Nag-e-enjoy lang po ako kapag magkasama kami,” dagdag pa ni Jillian.
“In the first place, hindi ko rin po sila binibigyan ng chance na umamin. Ginagawa ko rin pong clear sa kanila na ayoko pa po. May perfect time naman din po talaga kasi ‘yun,” sabi pa niya.
Paliwanag pa ng dalaga, ang mga nasa top priority niya ngayon ay ang kanyang sarili, pamilya at siyempre ang trabaho na siyang nagbibigay sa kanila ng maayos at magandang buhay.
“Kumbaga nga po dati kung sobrang strict po si mama at papa, na-adapt ko po talaga ‘yun sa sarili ko. So mas istrikto po ako sa sarili ko. Like ‘yung mga nasa paligid ko po sinasabi enjoy-in ko raw po pagkabata ko, kasi minsan lang daw po ako magiging bata at kikiligin nang ganito,” sabi ni Jillian.
“Kumbaga darating din po ‘yon, ‘pag tumanda na po ako siyempre hindi ko na po lagi makakasama ‘yung family ko, mga kapatid ko magkakaroon sila ng sarili nilang family. So ine-enjoy ko po talaga na magkakasama po kami bago po ako ‘yung talagang hayaan ko ‘yung sarili kong ma-in love,” dagdag pa niya.