Tinuldukan na ng sambayanang Pilipino ang “honeymoon period” ng administrasyong Marcos Jr. matapos ang mahigit isang taon sa poder.
Ito ang indikasyon nang pagbagsak ng approval rating nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
“The dip in ratings after one year in power is typically indicative that the public’s honeymoon period with the new administration has ended,” ayon kay InfraWatch convenor Atty. Terry Ridon.
Malaki aniya ang epekto sa popularidad nina Marcos Jr. at Duterte ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, langis at mga batayang bilihin sa gitna ng nabansot na sahod at persepsyon ng maluhong pamumuhay ng liderato ng administrasyon.
“Rising prices of food, oil and basic commodities amid stunted incomes and perceptions of an extravagant leadership has impacted the approval ratings of the President,” giit ni Ridon.
Dapat aniyang nakatutok ang Pangulo sa paghahanap ng mga tunay na solusyon sa paglobo ng presyo ng mga bilihin.
Ang mga pagsisiwalat hinggil sa paggamit ni VP Sara sa 2023 confidential funds ay malubhang nakaapekto sa approval ratings ng Bise-Presidente.
Seryosong mga tanong ang ipinukol sa tanggapan ni VP Sara kung may pangangailangan ba talaga na gumasta ng napakalaking halaga para sa “travel and representation expenses” na walang kinalaman sa paniniktik.
“On the other hand, disclosures relating to the use of 2023 confidential funds had severely impacted the approval ratings of the Vice President. It has subjected her office to serious questions on the necessity of such funds to cover non-surveillance related expenditure such as travel and representation expenses,” sabi ni Ridon.
Bumaba ang approval ratings nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte noong Setyembre sa gitna ng mga kaganapan sa West Philippine Sea developments, rising commodity prices, and concerns about proposed confidential funds.
Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, bumaba ng 15 basis points mula sa 80 porsiyento noong Hunyo sa 65 porsiyento noong Setyembre ang approval ratings ni Marcos Jr.
Habang si VP Sara ay bumagsak ng 11 basis points o mula sa 84 porsiyento noong Hunyo ay naging 73 porsiyento noong Setyembre.
“Although the President and the Vice-President continue to enjoy majority approval scores at the national level and across geographic areas and socio-economic classes, both experience significant erosions in their respective approval ratings during the period June 2023 to September 2023,” anang pollster.