HANGZHOU, China – Bihirang kabahan si Tim Cone, pero sa naging laban nila kontra Iran para sa semifinals slot sa 19th Asian Games dito, talagang ibinuhos na ng Gilas Pilipinas ang lahat upang ungusan ang Iran, 84-83 upang umabante sa medal stage sa men’s basketball event sa ZJU Gymnasium.
Kumamada si Justin Brownlee ng 36 puntos habang sina June Mar Fajardo at Scottie Thompson ay hindi nagpatinag sa 13-2 rally ng mga Iranians, ang silver medalists sa nakaraang edisyon ng Asian Games sa Jakarta noong 2018.
Si Brownlee, na nakakita ng limitadong minuto sa kanilang nakaraang laro laban sa Qatar ay nagtala ng 34 sa unang tatlong quarter bago ibinato ng mga Iranian ang isang airtight box-and-one defense.
Si Fajardo ay nagtapos na may 18 puntos, walong rebounds at apat na assists habang si Thompson ay nagtapos na may 11 markers para sa Gilas upang umabante sa semifinals ng prestihiyosong quadrennial event na ito.
Ang mga Pinoy ay hindi pa nakakapanalo ng medalya sa Asian Games sa basketball mula noong 1998 sa Bangkok habang hindi pa sila umabante sa semifinals mula noong 2002 sa Busan.
Si Cone, ang parehong mentor na gumabay sa Pilipinas sa medal podium, ay nakahinga ng maluwag kasunod ng labanan na maaaring pumunta sa alinmang paraan.
“It was tough in the last quarter. We were playing the way we want to play in the first three quarters then they suddenly threw out that box-and-one on Justin,” saad ni Cone.
Muling nanguna ang Iranians mula sa field goal ni Navid Rezaeifar ngunit kumana ng floater si Brownlee — ang kanyang nag-iisang basket sa fourth period — para makuha ang isang puntos na abante sa nalalabing 44 segundo, 84-83.
Nabigo ang mga Iranian na mag-convert sa sumunod na play dahil hindi nila nakuha ang isang three-pointer. Pagkatapos, gumawa sila ng defensive blunder nang hindi sila gumamit ng foul sa huling 22 segundo hanggang sa mag-dribble ang Gilas sa kanilang tagumpay.
“We just had a short preparation time so we can’t prepare for everything. We were not prepared for that box-and-one. We made some simple turnovers that gave them momentum. They shot the lights out and it came down to the last play and we were lucky to win,” saad ni Cone.
Gayunman, sinabi ni Cone na hindi magtatagal ang kanilang selebrasyon.
Pagkatapos ng lahat, kailangang paghandaan ng mga Pinoy ang nakaambang semifinal duel kontra China sa Miyerkules matapos talunin ng host country ang South Korea, 84-70, sa isa pang quarterfinal encounter.
Sinabi ni Cone na papasok ang Chinese na may malaking motibasyon para talunin sila.
The scores:
Gilas Pilipinas (84) – Brownlee 36, Fajardo 18, Thompson 11, Oftana 7, Perez 6, Kouame 4, Newsome 2, Alas 0, Tolentino 0, Aguilar 0.
Iran (83) – Vahedi 24, Rezaeifar 14, Mirzaei 12, Aghajanpour 11, Girgoorian 8, Mashayekhi 6, Kazemi 6, Pazirofteh 2, Shahrian 0, Gholizadeh 0, Torabi 0.
Quarterscores: 28-22, 48-36, 71-54, 84-83.