Bilang bahagi ng PHILINDO2023, nagsasagawa na ng maritime training ang Ph Navy at Indonesian Navy sa karagatang sakop ng Negros Oriental.
Layunin ng pagsasanay ang mapalakas ang interoporability, situational awareness at mutual cooperation ng dalawang hukbong pandagat.
Ito na ang ikatlong taunang pagsasanay sa pagitan ng dalawang bansa na magtatagal hanggang sa ika-30 ng Setyembre.
Kasama sa naturang pagsasanay ang sasakyang pandagat na BRP Ramon Alcaraz mula sa Ph Navy at dalawang naman mula sa katapat nitong Indonesian Navy na KRI Sampari at KRI Hiu.
Una na rito, isa sa pangunahing pagtutuunan ng pansin ng dalawang hukbo ay ang pagsasanay sa maritime security operations, surveillance, reconnaissance, gunnery training at air operations training.