Mas marami ang best dressed sa katatapos lamang na ABSCBN Ball kaya ang worst dressed sa nasabing payanig, kitang-kita agad at alam alam na mong fashion disaster.
Unang worst dressed, ang babaing tagapagmana ng sumpa ni Anne Curtis na inaglahi dahil sa kanyang white YSL dress, si Julia Barretto naman ngayon ay nagmukhang transwoman na gusto agad ipagyabang na naging tunay na babae na siya na black brassiere at serpentima cut palda na Yves Saint Laurent pala. Walang korte , hahanapin mo kung nasaan ang kanyang kurbada at worst, haggard looking si Baretto. Pasalamat siya na best accessory niya si Gerald Anderson kaya ang kanyang famished super model frame eh hindi masyadong intindi.
Kasunod ni Barretto sa worst ang social media personality, si Toni Fowler na in an all black outfit na may pa-alampay, mala-Ariel na cartoon version red hair at lo and behold ang babaing idinemanda ng isang kapisanan, pagtalikod nito, butas ang buttocks area ng kanyang saplot at kita ang pisngi ng kanyang mga puwet na may kung ano-anong drawing. Unbothered ka tiyak na pasok ka sa worst dressed tiyang Fowler dahil kahit si Tiya Pusit,kung nabubuhay pa ito, maririmarim sa paandar mo, huh!
Pangatlo, kung ang dress ni Asia’s Songbird na red carpet ang talagang suoy niya sa ABSCBN Ball, parang mali ang kanyang pang-matandang dalaga na ang paboritong libangan ay dumalo sa cursillo get up. What a disappoint ang kanyang dress para sa isang red carpet entrance. Buti na nga lang at may red pang-Darna boots siya kahit paano eh cushioned ang blow sa sinuot niyang parang nagmamadali niyang inilabas sa kanyang aparador at isinuot na lang agad-agad.
JC Alcantara, make up na makapal, check! At literal na naglalad ng kapa kasi ang suit niya, na in a baby pink at that na tila may binurdang kung anong mga maliit na bulaklak, did not scream fashion forward kundi “yes, I am coming out!”At ano yung parang pang Saudi boy na bagong uwi sa Pilipinas kaya pipinagmaayabang ang nagkakapalang gold necklaces na not one, but two, huh! Kung ito talaga ang statement mo baby boy Alcantara na mahal mo ang pink community at ito ang nagsusumigaw mong pamamaraan na di ka lang ally kundi isa ka sa amin, forgivable ang fashion faux pax na ito, pero still, worst dressed ang category mo sa payanig.
At ang babaing bakla na nga ako, binakla pa akong lalo kaya alam na alam na pinaglalaruan ako ng mga bakla, nagmukha tuloy akong baklang Barbie in a red hot Michael Cinco designed outfit, ang usually impressive na Amakobegra, MayMay Entrata. Wala siyang elan, oomph at special extravagaza para mapangatawanan ang paglalarong ginawa sa kanya ng mga diwata at sirena.