Inamin ng aktres na si Iza Calzado na muntikan na niyang iwanan ang mundo ng showbiz dahil umano sa isang lalaki.
Ayon sa celebrity mom at kasama sa cast ng “Shake, Rattle & Roll Extreme” na isa-submit ng Regal Entertainment sa 2023 Metro Manila Film Festival, sinabi ni Iza na marami siyang “extreme” na nagawa noon sa kanyang personal life, lalo na sa love at career.
“Ang daming extreme sa buhay ko. Pagdating sa love, muntik kong iwan ang career na ito dati. Extreme ‘yun,” sabi ni Iza. “Sa career, the extreme thing I did to shake up my career from growth was to move from one network to another.”
“Sa life, ang dami kong naiisip pero extremely shocking, na hindi puwedeng i-share. Just leave it at that for the imagination,” dagdag pa niya.
Sinabi pa ng aktres na talagang nagpapasalamat siya na napasama siya sa cast ng “Shake Rattle & Roll Extreme” at personal pa siyang nagpasalamat sa Regal Entertainment executive na si Roselle Monteverde.
“It feels great to be back working. Honestly, kapag gumagawa kasi ako ng isang proyekto, ayaw kong maglagay ng expectations kasi nakaka-pressure siya. I enjoy the process of making the film. I enjoy promoting the film. Ang aking dasal, ang aking hiling sa Panginoon, ay maraming makapanood ng pelikula. Sana magbalik na ang ating mga kapwa Pilipino sa panonood ng sine, ng pelikula. Ang tagumpay po ng isang pelikula ngayon really will signify the coming back to life of Philippine cinema,” sabi ng aktres.
Naikuwento rin ni Iza ang naging kaganapan sa pagtalakay ng Eddie Garcia bill sa Senado na naglalayong protektahan ang karapatan at pangangailangan ng mga manggagawa sa entertainment industry, kabilang na ang mga producers.
“I am quite passionate about having our industry have the best kind of practice to professionalize the industry in a sense that we would have the best working hours. Sabi nga ni Senator Jinggoy (Estrada) kanina, he wants this to be win-win for all,” sabi ni Iza.
“Hinihikayat ko ang mga kasama ko ritong aktor na to be really interested and really be a part of this dialogue between producers and everybody. We deserve the best practice. We are for better practices in our industry.”