Aksidenteng nabaril ng isang police intelligence agent ang kanyang sarili ng mismong service pistol habang hinahanap ang wanted person sa liblib na lugar sa Lambayong, Sultan Kudarat.
Sa ulat ng Police Regional Office-12 kahapon, inihayag ng Lambayong Municipal Police Station na si Patrolman Jaymark Olog ay idineklarang dead on arrival ng mga doktor sa pagamutan na pinagdalhan sa kanya ng emergency responders.
Ayon sa mga imbestigador, si aksidenteng nabaril ni Olog ang kanyang tiyan habang inilalagay ang pistol sa kanyang sling bag mula sa kanyang beywang upang hindi mahalata ito ng mga residente ng Barangay Pimbalayan habang siya at mga kasama ay mula sa Lambayong MPS ay inaalam ang umano’y presensya sa erya ng wanted na si Bakbak Mamaluba.
Nahaharap si Mamaluba sa mga kasong cattle theft, armed robbery, drug trafficking, extortion at murder cases sa iba’t ibang hukuman sa central Mindanao.