HANGZHOU, China — Layunin ni EJ Obiena na tapusin ang kanyang 2023 season na maka-kubra ng panalo sa 19th Asian Games
Saad ng 27-taong gulang na si Obiena, ang nagpapatuloy sa quadrennial meet na ito ay ang kanyang huling torneo sa season bago ang kanyang pagpaplano ng programa para sa 2024 na may tyansang manalo sa Paris Olympics sa susunod na taon.
Ito ay napakatagumpay na season para sa FIlipino superstar.
Bukod sa naiuwing gintong medalya mula sa Southeast Asian games nitong nakaraang Mayo sa Phnom Penh, matagumpay rin ang naging kampanya ni Obiena sa Europe, na nagtulak sa kanya sa ikalawang puwesto sa World Athletics ranking sa likod ng World record holder na si Armand Duplantis ng Sweden.
Ngunit ang pinaka-nagpatanyag sa kanya ngayong taon ay ang pagpapatumba niya kay Duplantis sa Brussels Diamond League matapos maitalon ang 5.91 meters.
Nakapag-anyo rin siya nang dalawang beses sa Asian record ng 6.0 meters — ang una niyang tala ay naisagawa sa Hugary nitong Agosto — na lumabas bilang pinakatatakutang vaulter sa buong kontinente.
Gayunpaman, ang pagtatakda ng bagong Asian games record at ang pag-uwi ng gintong medalya ay nasa agenda niya pa rin sa taong ito.
“We will see in a few days if I fulfill what I was supposed to do, that it will be a good outing,” sabi ni Obiena, na nakikipaghamok din sa Asian Games sa Hangzhou Olympic Centre dito.
“This season I’ve been able to so far, knock on wood, hold to what I said I would do, win the things that I’m supposed to win, and jump the heights that I was supposed to jump.
“It’s been pretty good. Nothing out of the ordinary, I haven’t surprised myself yet but no surprises are still okay. I have high expectations.”
Sa kabila ng pagiging pinakamahusay na Vaulter ng Asya, hindi nauubusan ng motibasyon si Obiena upang mangibabaw.
Sa simula, nakatapat niya si Seito Yamamoto ng Japan, na nakapagtala ng 5.75 metro nang makuha niya ang gintong medalya sa Asian Games na ginanap sa Jakarta noong 2018.
Sa pagkikitang iyon, si Obiena ay nagkaroon ng nakakabigong pagganap matapos siyang magtamo ng anterior cruciate ligament injury na nagwalis sa kanya tungo sa hindi malilimutang ika-pitong rango.
Ngunit ang pananaw ni Obiena ay nasa iisang bagay lamang: Ang Paris Olympics.
“I would want a medal but I would want to win,” ani Obiena.
“I would want to get a gold, it’s something that I believe is still doable, it’s achievable.”
“Success would be winning a medal. Bigger success if I win.” (SAIMON NOVENARIO)