Bigyan daan ang mga reyna!
Dumapo sa pabalat ng Vogue Philippines ang beauty queens gaya nina Michelle Dee, Catriona Gray,Megan Young, R’Bonney Gabriel, at Melanie Marquez.
Suot ng mga reyna ang tuxedos mula sa high-end brands habang todo ngiti at magkakapit-bisig.
Sa halip na ang pangkaraniwang magazine interview, nagsagawa ang grupo ng isang “Crown Conversation,” habang sila’y nakaupo at tinalakay ang mahahalagang pagbabago sa beauty pageants sa paglipas ng panahon.
Si Megan ay itinanghal na 2013 Miss World, si Catriona ay 2018 Miss Universe.
Habang sina R’Bonney ay 2022 Miss Universe 2022, at kauna-unahang Filipina-American na nakasungkit ng korona.
Si Melanie ay naging 1979 Miss International 1979 at ang kanyang anak na si Michelle ay kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe Philippines 2022 sa susunod na buwan na gaganapin sa El Salvador.