Maraming politiko ang naniniwala sa dalang suwerte o kamalasan ng isang taong malapit sa kanila kapag panahon ng eleksyon.
Pero isang sikat na personalidad na kilala sa kayabangan, ang subok na may bitbit na kamalasan sa inendorsong presidential bet.
Hindi masyadong halata na masama ang ugali ni Mr. Celebrity, ang palabas kasi niya, maka-masa na mahilig mamudmod ng pera.
Ngunit nasubukan kung hanggang saan lamang ang popularidad niya makaraang langawin ang isang bagitong TV station na naniwala sa kanyang mga boladas.
Nagpalipat-lipat na raw ng istasyon si Mr. Celebrity ngunit wala na siyang nabalikan kahit isa na nilisan niya.
Hindi pala dahil ayaw na niya kundi, isinara na sa kanya ang pinto ng bawat istasyon na kanyang inalisan.
Puro raw kasi pakabig ang gusto ni Mr. Celebrity, mas siya ang kakabig kaysa ang may-ari ng istasyon.
Isang istasyon na pinamamahalaan ng gobyerno ang bagong target ni Mr. Celebrity na “gatasan.”
Isang gusaling pera ng bayan ang ginamit para itayo ang ipagagamit daw kay Mr. Celebrity.
Ang nagtitimon daw sa iskemang ito ay isang babaeng opisyal ng gobyerno, isang kongresista na nangamote kamakailan sa budget hearing at isang kaanak ng makapangyarihang opisyal ng bayan.
CLUE:
Si Mr. Celebrity ay naging pamoso mahigit isang dekada na nakararaan bunsod ng maraming nasawi makamit lang ang ipinangako niyang premyo.
Dati na siyang endorser ng presidential bet pero kulelat ang kanyang kandidato sa araw ng eleksyon.
Isang mahilig daw sa TAMBAkol ang inuuto niya ngayon para mabigyan ng pribelehiyo sa panahon ng Bossing ng Bayan Mo.
“Ayoko ng jacket, mainit!” sigaw ng isang miron sa umpukan ng mga Mimosa sa Barangay.
‘Yun na!