Pumalo na sa halos 60 na mga indibidwal ang napatay matapos ang twin suicide combings sa dalawang mosque sa Paksitan.
Sa ulat ng mga local authorities – lumabas na mayorya sa mga namatay ay mga worshippers kasabay ng paghahanda sa paggunita ng Kaarawan ni Muhammad.
Nagsimula ang unang pagsabog sa Balochistan kung saan, 54 ang namatay at 100 ang nasugatan.
Ilang oras lang ang nakalipas – apat naman ang namatay sa Hangu City; habang mayroon ding 12 mga nasugatan.
Maliban sa mga suicide bombings, mayroon ding isa pang hand grenade ang nadiskubre’t di-nefuse ng bomb squad malapit sa blast site.
Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang pagpapagamot ng mga injured at mga malalang casualties, pati na rin ang imbestigasyon sa mga pagpapasabog.