Matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang dating alkalde ng Dingras, Ilocos Norte na si Marynette Gamboa.
Si Gamboa ay may kinakaharap na kasong murder dahil sa pagkamatay ng dating presidente ng Ilocos Norte Electric Cooperative na si Lorenzo Rey Ruiz noong 2009.
Batay sa imbestigasyon , lumalabas na si Gamboa ang utak sa kaso ng pagpatay kay Ruiz.
Dahil dito ay nalagay ang kanyang pangalan sa Top 2 most wanted person sa probinsya ng Ilocos Norte.
Ang arrest warrant laban sa dating alkalde ay inilabas mismo ng Batac City Regional Trial Court noon pang July 11, 2022 at walang inirerekomendang piyansa
Itinituturo rin si Gamboa bilang mastermind sa pag ambush kay Dingras mayor-elect Jeffrey Saguid at sa Sangguniang Panlalawigan board member na si Robert Castro noong December ,2009. Una ng sinabi ng dating alkalde na maraming makapangyarihang pulitiko sa kanilang probinsya ang gusto siyang tanggalin sa kanyang pwesto.
Itinatanggi rin nito na may kinalaman siya sa mga paratang na ibinabato laban sa kanya.