Sinasabing ang tambalan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano at Kyle Echarri at Andrea Brillantes ang magsasalpukan para sa trono at pwesto nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na mga dating Teen King at Queen sa Star Magic at ABSCBN.
Wala na kasi sa totoy at nene estado at idad nina DJ at Kath, Sa kasalukuyan sila ay tinuturing na ABS CBN royals na talagang ang mga binigay na pryekto, sa telebisyon at pelikula ay talaga namang humahamon at inilalabas ang kakayahan nina Padilla at Bernardo. May landmark pelikula na si Daniel, ang “Kun Maupay Man It Panahon” at “Ang Very Good Girl” ang kay Bernardo.
Ang top pick na DonBelle, portmanteau nina Pangilinan at Mariano, ang lamang ay meron na itong dalawang sinubaybayan na on-line teen series, at dalawang pelikula na sinabing kumite naman daw. Marami rin silang brand endorsements at may bagong seryeng ipapalabas sa pinakamalapit na hinaharap.
Ang kryptonite lang talaga sa DonBelle ay ang katotohanan na kaya lamang naging kapanapanabik at kay sarap tangkilikin ang kanilang tambalan kapag kasama si Jerenmiah Lisbo sa kanilang mga proyekto.
Mas umiigting ang pagkarahuyo sa kanilang pagsasama at tambalan pag nakikita ang mga pagseslos kunyari at mga insecurity ng mga katauhan ni Pangilinan pag alam niyang andiyan si young master Lisbo, na ang katauhan ay kung hindi ex-boyfriend eh masugid na manliligaw ng katauhan ni Belle.
Ang strongest contender at sinasabing tunay na next in line sa dating pinanghahawakang pwesto at titulo ng KathNiel ay sina Kyle Echarri at Andrea Brillantes.
Ang alas ng KyleDrea, sa totoong buhay mag-best friend sina Echarri at Brillantes, hindi manufactured ang kanilang feelings at ang chemistry nila ay talagang damang-dama.
Bahagi sila ng Gold Squad dati, ang teen stars na naging atraksyon sa talaga namang sinubaybayang “Kadenang Ginto”. At sa kasulukuyan, ang dalawa ay bida sa pangatlong pinamakalakas na primetime drama na “Senior High” kung saan sa ngayon, eh magkaibigan, magkakampi at magkakaklase na North Ford High ang mga katauhan nilang sina Sky Love at Obet.
Kung bakit hindi tinuturing na pwedeng humalili ang KDLex, tambalan nina KD Estrada at Alexa Ilacad at FranSeth, tambalan nina Francine Diaz at Seth Fedelin, ay patotoo na kulang pa sa lakas, hatak at kredilidad ang mga ito.
Sa salpukang DonBelle at KyleDrea, sino nga talaga ang tunay na tatatak, tatagal at maging tunay na magkasintahan at magmamahalan tulad nina Padilla at Bernardo?
Marami ang buo ang pananalig na pag dating sa aspekto ng romansa, siguradong-sigurado na ang mga tagahanga sa pagmamahalang meron sina Donny at Belle.
Friendship is the best foundation of a relationship naman ang bala ng mga nanalig na magmamahalan ng walang kapantay at sa tamang panahon mangyayari ito sa pagitan nina Andrea at Kyle.
Kung ano man ang nakatakda sa romance department, hayaan na nating mahinog ito at hindi pilit. Ang importante ngayon, ang maging mahusay at totoo sila sa kanilang pag-arte at suporthan ng mga fan ang mga proyekto nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, Kyle Echarri at Andrea Brillantes.
Mas exciting naman talaga pag may pinagtatapat. Don Belle o KyleDrea, kanino kayo my dear Chika-Diva readers?