Isinusulong ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-if-staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang pagpapalakas at pag-develop sa total military force ng bansa.
Sabi ni Brawner, nais niyang paigtingin pa ang buong puwersa’t lakas ng AFP – mapa-regular ‘man, ‘o reserve force.
Ito ang naging pahayag ni Brawner matapos ang sinabi ni Defense Sec. Gibo Teodoro na gusto niya raw i-redesign ang reserve force paradigm ng AFP.
Sabi ng Kalihim, kailangan na raw kasi itong i-revisit at baguhin para makasabay sa makabagong panahon, at mga bagong umuusbong na banta sa bansa.
Ayon kay Teodoro – dapat kasi ay paghandaan na ang mga banta na posibleng andiyaan na nga – pero hindi lang natin nakikita.
Samantala, sa isinagawang 44th National Reservist Week Culminating Activity sa Camp Aguinaldo – kapwa tiniyak nina Brawner at Teodoro ang kahandaan ng AFP at ng mga reservists para sa iba’t ibang mga sakuna sa bansa, pati na rin ang pagdepensa sa ating teritoryo.