Gustong maka-experience ng snow ngayong Ber months pero low-budget? Huwag mag-alala dahil maaari na itong maranasan sa isang Christmas village ng isang farm hotel and resort sa Naic, Cavite.
Sa ulat ni Vonne Aquino sa State of the Nation, sinabing itinatampok sa pasyalan ang isang foam party na nagbibigay ng Christmas vibes.
Dinisenyuhan naman ang mga bahay ng mga Christmas decor, na sinamahan ng mga giant Christmas tree, at may Santa Claus at snowman pa.
Kaya naman enjoy mapa-bata o matanda sa pagpapa-picture kasama ang mga mascot sa pagtugtog ng Christmas songs.
Sinabi ng management ng farm na hindi lang ngayong Ber months matutuwa sa Christmas village kundi whole-year round na ito.
“We want something different in the farm and naglalagay na kami ng unti-unting about European countries. We will add up, make it a Christmas village,” sabi ni Frederick Baylosis, president ng naturang farm hotel and resort.
Kung pangarap namang makapag-trip around the world at gustong makita ang mga sikat na atraksyon, para ka na ring nakapag-travel sa farm na ito.
Tampok din sa farm ang replica ng Eiffel Tower sa France, Disneyland Castle, Statue of Liberty ng New York, pyramid ng Egypt at marami pang iba.
Malilibot na ang lahat ng ito sa entrance fee na halagang P199.