Tila nangningning na bituin ang aktres na si Gabbi Garcia sa kanyang black swimsuit habang nagbabakasyon sa Boracay kasama ang kasintahang si Khalil Ramos.
“Mood for the next few days,” caption ng aktres sa kanyang mga larawang ipinaskil sa Instagram.
Dalawang taon na ang nakakaraan nang ipagmalaki ni Gabbi sa buong mundo ang kanyang dibdib, isang mahalagang mensahe kaugnay sa “body positivity.”
Suot ang isang olive green bikini na ipinares niya sa isang wrap dress na nay pareho ring kulay sa The Farm at San Benito in Lipa City, Batangas, inamin ng aktres, “I used to be so shy & hesitant when it comes to wearing triangle-shaped bikini tops.
“But now, I learned to finally embrace it [sparkle emoji] Flaunt it and be proud [white heart emoji] #FlatandProud”