Naghain ng writ of protection sa Korte Suprema ang dalawang environmental activists mahigit isang linggo matapos nilang ihayag sa publiko na sila’y dinukot ng militar.
Nagsumite ng writ of amparo at habeas data ang mga environmental defender na sina Jhed Tamano at Jonila Castro at ang kanilang abogado mula sa Free Legal Assistance Group (FLAG) sa Kataas-taasang Hukuman.
Kung pagbibigyan ng SC, ang dalawang aktibista ay bibigyan ng proteksyon mula sa mga miyembro ng 70th Infantry Battalion at mga miyembro ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na lumapit sa kanila at sa kanilang mga pamilya ng wala pang isang kilometro.
Layunin din ng petisyon na ideklara ang NTF-ELCAC at ang mga tauhan ng militar bilang “responsable at nananagot sa sapilitang pagkawala at iligal na pagkulong” kina Castro at Tamano.
Sina Tamano at Castro ay inilutang sa isang press conference ng NTF-ELCAC noong Setyembre 20 at itinanggi ang mga pahayag ng gobyerno na sila ay sumuko sa mga awtoridad.
Sinabi ni Castro na pareho silang dinukot ng mga tauhan ng militar na sakay ng isang van at napilitan silang aminin sa kanilang sinumpaang affidavit na sila ay tumalikod sa kilusang komunista, na aniya ay pinirmahan sa loob ng isang kampo ng militar.
Ang mga video ng press conference ay tinanggal na sa Facebook pages ng Plaridel municipal office at NTF-ELCAC.
Matapos ang ilang mga tawag mula sa mga grupo ng mga karapatan upang ipakita ang mga aktibista – na nawawala nang hindi bababa sa dalawang linggo – ang National Security Council at pulisya ay naunang sinabi na sina Castro at Tamano ay nakakulong sa isang ligtas na bahay matapos silang humingi ng tulong sa mga awtoridad.
Sinabi ng human rights group na Karapatan ,“ang paglalantad” nina Castro at Tamano ay “speaks volumes for the many victims of abduction and enforced disappearance, the wave of attacks against activists and rights defenders under the current dispensation.”
Sa ika-10 sunod na taon, pinangalanan ng watchdog na Global Witness ang Pilipinas bilang pinakamapanganib na bansa sa Asia para sa environmental actvists.
Sina Castro at Tamano ay sa kasama sa mga tumutulong sa coastal communities na apektado ng mga proyektong pangkaunlaran sa paligid ng Manila Bay noong sila ay dinukot.