Tinulungan ng Estados Unidos at Britanya ang Ukraine sa pag-atake ng naval headquarter ng Rusya sa Crimea noong Biyernes, ayon sa foreign ministry nito.
“Walang pag-aalinlangan na ang atake ay pinagplanuhan gamit ang assets ng Western intelligence, satellite equipment ng NATO (North Atlantic Treaty Organization) at eruplanong reconnaisance,” pahayag ni Maria Zakharova, tagapagsalita ng foreign ministry ng Rusya.
Ang pagtira ng missile sa naval headquarters ay isinagawa nang may koordinasyon sa mga intelligence services ng Amerika at Britanya, dagdag pa ni Zakharova.
Inako ng Ukraine at atake na lumikha ng malaking sunog.
Ayon sa pamahalaang Rusya, isang sundalo ang namatay sa atake.
Sinabi naman ng Kyiv na 34 na naval officer, kabilang ang commander ng Black Sea Fleet na si Viktor Sokolov, ang namatay, ngunit pinabulaanan ito ng Moscow.
Nagpalabas kahapon ang defense ministry ng Rusya ng video footage ng Zvezda TV channel na ipinakikita si Sokolov na nagsasalita, ngunit walang petsa ang video clip.
Wala pang pahayag ang Washington at London sa mga paratang ng Moscow, ngunit inaasahang pabubulaanan nito ang mga akusasyon.