Tinrabaho ng College of St, Benilde sa depensa ang kanilang paggapi sa Far Eastern Univerirty para maiuwi ang 25-18, 25-18, 25-16 panalo sa pagsismula ng kanilang best-of-three title series at lumapit sa korona ng V-:League Women’s Collegiate Challenge sa Paco Arena sa Maynila kahapon.
Hindi natinag ng Lady Tamaraws ang mala-pader na depensa ng Lady Blazers.
Wala man lang ni isang players sa FEU ang naka-double figures sa scoring, isang patunay kung gaano kahigtpit ang depensa ng CSB.
Pinangunahan ni Faida Bakanke na may walong puntos ang FEU.
Mas balanse naman ang larong ipinakita ng St. Benilde kung saan tumipa ng 13 at 12 puntos sina Jade Gentapa at Gayle Pascual.
May naiambag ring 10 digs si Pascual na nagpamalas ng solidong laro, mapa-opensa man o depensa.
“Titibayan pa namin ‘yung defense, lalo na sa blocking. So far, it worked in Game 1 and we hope we’ll be able to do it again in the next,” ang sabi ni CSB assistant coach Jay Chua.
Magtatangka ang Lady Blazers na isarado ang torneo at sungkitin ang kampeonato sa kanilang laro sa Biyernes, 4 p.m.
Sina Chenie Tagaod at Keisha Bedonia ay mayroon lamang na tig-anim na puntos sa Lady Tamaraws at mas kailangan nila ang mas produktibong numero para tulungan ang kanilang koponan na itabla ang serye.
Matapos dominahin ang naunang dalawang sets, hindi na nagpaawat pa ang Lady Blazers, kung saan ipinoste nila ang 22-11 na kalamangan at hindi na muling lumingon pa.