Matapos ang contract signing, naging emosyonal si Sanya habang nagpasalamat sa network sa muling pagtitiwala sa kanya.
“Sobrang thank you po sa binigay n’yo po sa akin. Masasabi ko lang po ngayon, sobrang proud po ako at overwhelmed with happiness dahil sa walang binigay n’yo po sa akin,” anang aktres.
“Maraming salamat kay Tatay, Kuya Germs, kasi siya po ‘yung naging daan para makilala n’yo po ako.”
Sa kanyang Facebook page ay ipinaskil ni Sanya:
“Now finally I signed a contract which is different from my previous contracts with GMA. This one is special coz it’s a Network contract! Meaning my relationship with GMA has grown deeper and more exciting things are coming. Salamat GMA sa pagbibigay ng tiwala sa aking kakayahan bilang artista. Asahan nyo po na pagbubutihan ko pa.
Kayo po ang kinoconsider kong aking pangalawang magulang at mananatili po akong isang mabuting anak sa inyong lahat! Maraming Salamat po. Love you po.”