Opisyal nang magwawakas ngayon ang Hollywood screenwriters’ strike, isa sa dalawang welga na nagpahinto sa movie at TV productions ng halos limang buwan, ayon sa ulat ng USA Today.
Bumoto ang lahat ng Writers Guild of America board kahapon para sa strike-ending deal, na ang Alliance of Motion Picture and Television Producers, ang grupo na nagsisilbing kinatawan ng studios, streaming services at production companies sa mga negosasyon.
“Today, our Negotiating Committee, WGAW Board, and WGAE Council all voted unanimously to recommend the agreement,” inianunsyo ng Writers Guild West sa X, dating Twitter. “The strike ends at 12:01 am.”
Ang “agreed-upon three-year contract extension” ay mapupunta sa buong WGA membership para sa isang ratification vote.
Ngunit ang leadership board ay inalis ang restraining order na nagpapahintulot sa mga manunulat na magtrabaho sa panahon ng ratification process.
Magbobotohan ang mga kasapi sa Oktubre 2 at 9.