Hayaan na nating mabaliw sa kanya ang babaeng Pranses.
Ito ang payo ni Showbiz Ultra Maldita Alex Brosas sa publiko matapos aminin ni Joshua Garcia ang relasyon nila ng French-Filipino athlete Emilienne Vigier kamakailan.
Ilang buwan din pinagpiyestahan ng fans ang mga larawan nina Joshua at Emilienne sa social media na hindi alam ang tunay na iskor sa kanilang dalawa.
Sa isang media interview matapos ang press conference para sa kanyang upcoming movie na “Fruitcake,” ipinaliwanag ni Garcia kung bakit inilihim niya ang kanilang relasyon ni Emilienne.
“Para maklaro na lahat and wala nang maitanong ang lahat, baka kasi sabihin nila, dini-deny ko ‘yung babae, ‘di ba?” aniya sa PhilStar.
“Hindi ko siya dini-deny. It’s just that, ako and her decided not to share it to everyone. Kasi ‘yung relationship na ‘yan ay kami lang naman ‘yung parte dun, e,” dagdag niya.
Natuto na raw ang aktor sa aral ng mga nakalipas na relasyon kaya’t mas ginusto niyang gawin discreet ang kanyang love life.
“Galing na kasi ako sa iba’t ibang klaseng relationship. Every time na sini-share ko siya sa lahat, parang… nagkakagulo, alam mo ‘yun? Nagiging shaky ‘yung relationship kasi,” anang aktor.
“Parang… this time, mas pinapahalagahan ko ‘yung privacy ko para sa ganung aspect. Ganung klaseng ano… hindi lang dun, pati sa pamilya ko, ‘di ba? Hangga’t maaari kasi, sa panahon ngayon, mas okay kung private na lang tayo,” dagdag niya.
Bago ang Filipino-French athlete, naugnay din si Joshua sa beauty vlogger na sina Bella Racelis.
Pero sabi ng aktor noong panahong iyon, single siya.
Huling naging bukas si Joshua sa kanyang buhay pag-ibig ay nang makarelasyon sang aktres na si Julia Barretto.