Matapos mag-pull out sa kanilang kampanya sa 3×3 competitons dahil sa kakulangan sa players, magtatangka naman ang Philippine women’s basketball team na magpakitang gilas sa kanilang kaunaunahang kampanya sa Asian Games.
Gagabayan ni head coach Patrick Aquino, bitbit ng Gilas cagebelles ang pangarap na lumikha ng kasaysayan sa kanilang unang salang sa quadrennial meet basketball competition.
Dalawang beses nag-kampeon sa Southeast Asian Games ang Gilas women, at nagawang maiposte ang pinakamataas na narating sa FIBA Asia Cup (sixth), pero may higit na inaasam ang mga Pinay ballers at ito makakuha ng medalya.
Magsisimula ang kanilang kampanya ngayong araw laban sa Kazakhstan sa ganap na 5:30 p.m. na gagawin sa Hangzhou Olympic Sports Centre Gymnasium.
Masama man ang loob bunga ng kanilang desisyong huwag na sumali sa 3×3 competition matapos hindi payagan ng organizers ang pagbabago ng line up, wala nag dahilan para magmukmok ang ating mga cagebelles at alam nila ang mabigat na hamon kalaban ang Kazakhs.
Kilala ang koponan ng Kazakhstan sa kanilang bruskong paglalaro, pero matagal-tagal na rin ang panahon simula nang huli nila itong nakalaban.
Taong 2017 simula nung huli nilang makalaro ang Kazakhstan pero dahi na-promote na sa Division A ng FIBA Asia ang Gilas women’s, hindi na nila nagawa pang makaharap ang dating Russian Republic na bansa.
Para naman kay Aquino, ang ginawa nilang trainign kasama ang me’s team ng Gilas ay malaking pagbi-build up sa kumpiyansa ng kanyang koponan.
Bukod dito, nagkaroon rin ng pagkakataon ang Gilas women’s na makasali sa Jones Cup at invitational tournament sa Korea kung saan nakaharap nila ang mga koponan mula sa Korean Basketball League, Japan at Australia.
“They’re definitely a big help for us,” ang sabi ni Aquino. “At least we got the feel of getting more familiar with some of the teams we’re going to face in the Asian Games and players who will be taking part here.”