Ang pangatlong Filipinang naging Miss Universe, si Pia Wurtzbach ang buhay na patotoo na bonggang-bongga na ang karera, busog na busog pa sa pagmamahal.
Sa kanyang kaarawan kamakailan, ang asawa nitong si Jeremy Jauncey na siyang punbong abala sa Beautiful Destinations, ang kilig to the max na pagbati sa asawa na mababasa sa Instagram ay: “Happy birthday baby, what a year you’ve had. A bestselling book, growing businesses, film festivals, fashion weeks and a very special wedding”.
Patuoy ni Ginoong Jauncey sa kanyang birthday greeting post: “I love you and I am proud of you. I have no doubt that this year will even be bigger.”
Nagpasalamat siempre ang Miss Universe sa kanyang minamahal at sinabi pa nito na: “I miss you and I wish you were here.”
Ang pinagkaka-guluhang aklat ni Pia ay may pamagat na “Queen of the Universe: Dreams Do Come True”.
Tawang-tawa naman at napapatingin na lang sa langit ang mga PiaNatic sa paandar ng mga maka-Heart Evangelista na diumano, ay may nagaganap na kabugan at pagmamagandahan sa dalawa sa Milan Fashion Week.
Siyempre, ang mga maka-Pia, hindi ikinatutuwa ang tila “panggamit” ng mga maka-Love Marie na patalbugan sa Milan dahil nga pag dating sa kagandahan at kasikatan sa mundo ng fashion, ang katotohanan na si Pia ay Miss Universe, milya-milya ang lamang nito sa fashion blogger na si Evangelista. Mas bibigyang importansya ng prestyihiyosong Milan fashion houses na sa fashion event nila dumalo ang Miss Universe 2015 at ito ang mag-suot ng kanilang spring-summer collection na siyang inirarmpa sa kasaluluyan sa Milan, Italya.
Bukas na aklat na hindi kasama si Evangelista sa top fashion bloggers kaya ang sinasabing talbuhan at tapatan, kataka-takang chika at tunay namang nakakahibang.
Wala rin namang kahit na anong napatunayan si Heart pag dating sa pagiging “maganda” at talagang pag dating sa kagandahan eh siya ang babaing ginagaya o hinahangaan ng balana. May gumagaya nga kay Heart, pero transwoman sa katauhan ni Francine Garcia. Na tiyak na amused na amused si Love Marie pero hindi buo ang pagkalugod niya rito.
At demotion kay Evangelista ang pagiging fashion vlogger dahil nga A-lister na siya sa showbiz Pinas at ang re-imbensyon niyang ito, bagamat nagbibigay na pera sa kanya at print at online mileage, eh walang-wala sa estrella at presensya ni Queen Pia.
Kaya sa mga nagsasabing may kabuhan kay Pia at Heart, tama na, sobra na, tigilan na ang kababawan at kababalaghan na iyan.
Kasayasayan ang inukit ni Pia Wurtzbach bilangh pangatlong Pilipinang itinanghal na Miss Universe. At ang kanyang karera ay talaga namang kapupulutan ng aral at inspirasyon. Ang relasyon nila ni Jermey Jauncey ay subok na matibay, matatag at damang-dama ang pagiging busilak ng kanilang pagmamahalan.
Totoong si Pia ang “she’s the perfect symbol of the people rich in heritage and love”.