Ipinangako ni US President Joe Biden sa mga lider ng 18 Pacific nations na magbibigay ang Estados Unidos ng milyun-milyong dolyar bilang ayuda para labanan ang climate change.
Ginawa ni Biden ang pahayag sa unang araw ng Pacific Islands Forum (PIF) sa Washington at sa gitna ng pagpapalakas ng puwersa ng China sa rehiyon.
Sa laki ng panganib na maaaring idulot ng climate change, pinangangambahang mabubura sa mapa ang
ilang low-lying Pacific nations, kaya’t ang wika sa kanila ni Biden “we hear your warnings of a rising sea (that) poses an existential threat to your nations.”
Ayon kay Biden, hindi dapat mawala ang status o membership sa United Nations (UN) na resulta ng climate crisis.
Ang PIF ay may 18 miyembro kasama ang Australia, Cook Islands, Fiji, Kiribati, Marshall Islands, Micronesia, Nauru, Niue, New Zealand, Palau, Papua New Guinea, Solomon Islands, Samoa, Tonga, Tuvalu, Vanuatu, French Polynesia at New Caledonia.
Itinatag ang Pacific Islands Forum, dating (1971–2000) South Pacific Forum, bilang isang organisasyon noong 1971 bilang plataporma ng mga lider nito sa pagtalakay sa common issues at mga problema na kinakaharap ng “independent and self-governing states” sa South Pacific.
Inianunsyo rin ni Biden na magbubukas sila ng diplomatikong relasyon sa Cook Islands at Niue bilang bahagi ng pagsusumikap ng US na palakasin ang presnsya sa “key strategic region.”