Dismayado si Albay 1st District Rep. Edcel Lagman at hindi na itinuloy ang kanyang pagtatanong para sa panukalang 2024 budget ng Office of the President sa deliberasyon sa plenaryo ng House of Representatives kaninang umaga.
Tinanong kasi ni Lagman ang pagpapasa ng pondo ng OP sa Office of the Vice President noong 2022.
Nagsimula ang interpelasyon ng kongresista kung may savings ba ang opisina ng Pangulo sa contingent fund nito noong 2021 at 2022.
Bagay na sinagot naman ni Tulfo at sinabing walang savings ang OP noong 2021 at mayroon noong 2022 na aabot sa P53 Million.
Matapos nito inungkat na nga Lagman ang inilipat na pondo ng OP sa OVP noong nakaraang taon.