Mataas ang rating ng E.A.T. noong Sabado, September 23, 2023, kung saan ipinakilala si Atasha Muhlach bilang bagong miyembro ng Legit Dabarkads.
Nakapagtala ito ng 5.4%, ayon sa AGB Nielsen NUTAM.
Ang Eat Bulaga!, kung saan may nagwagi na naman ng house and lot sa game nilang “May Pa-Key Sa Yo,’ ay naka-3.6%.
Ang It’s Showtime naman ay naka-3.4%.
Bukod kay Atasha, lalo pang pinag-usapan ang E.A.T. noong Sabado dahil sa “lubid” joke ni Joey de Leon.
Noong Lunes, September 25, ay mataas pa rin ang E.A.T. ng TVJ sa TV5.
Naka-4.3% ang E.A.T., 3.3% ang Eat Bulaga!, at 2.7% naman ang It’s Showtime.
Trending pa rin noong araw na yun si Tito Joey, pati ang MTRCB na naglabas ng statement na iimbestigahan daw nila ang “lubid” joke ng E.A.T. host.
Pero dahil sa pagsali ni Atasha sa E.A.T., na-highlight naman sa Eat Bulaga! si Cassy Legaspi nung Lunes.
Parang nagmala-GMA Gala sila na naka-formal lahat ng hosts. Ang ganda ni Cassy sa kanyang white gown.
(pep.ph)