Nagpahayag ng kagustuhang mag-ikot sa Pilipinas si Filipino-American singer Olivia Rodrigo.
Sinabi nito na nakaplano ang nasabing pagbisita niya sa bansa.
Ipinagmalaki niya na ang mga Filipino ay likas na mapagmahal sa kapwa.
Isang Pinoy ang ama ng singer habang German-Irish naman ang ina nito.
Nakilala ang singer sa kanta nitong “drivers license” na mayroong tatlong Grammy Awards na siyang nakamit.