Kung inaabangan ng beer drinkers ang pagsapit ng Oktubre para maging maligaya sa piling ng mga kaibigan, posible namang “bumaha” ng luha sa ilang miyembro ng gabinete dahil sa ipatutupad na balasahan sa gabinete.
Nabatid ng Dyaryo Tirada sa source sa Malacanang na nakaamba ang “palakol” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ilang miyembro ng kanyang gabinete na may kahinaan umano ang performance.
Ayon sa source, maaaring ang tamaan ng balasahan ay ilang opisyal na laging humaharap sa mga pagtitipon sa ibang bansa tulad ng nasa economic team.
Hindi naman binanggit ng source kung kabilang sina Finance Secretary Benjamin Diokno at Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan sa mapapalitan sa puwesto.
May dalawampung organisasyon ng mga magsasaka ang lumagda sa isang petisyon na nanawagan kay Marcos Jr. na sibakin sina Diokno at Balisacan bunsod ng kanilang umano’y pagpabor sa importasyon sa pamamagitan ng pagtapyas sa taripa sa bigas at iba pang produktong agrikultural.
Tiniyak ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Rosendo So na maglulunsad ang kanilang grupo ng mga kilo-protesta sa harap ng gusali ng Department of Finance (Dof) para igiit ang pagtanggal kina Diokno at Balisacan.
“More agricultural groups are joining the call of the rice industry stakeholders to reject all proposals to reduce or remove tariffs on our most loved food commodities: rice, pork, chicken and corn. We all know that Secretaries Diokno and Balisacan are not only proposing tariff reduction on rice; but also, on pork, chicken and corn,” ani So.
Kahit ang iba pang farmers groups na ang kabuhayan ay may kaugnayan sa livestock, poultry, corn at iba pang allied sectors ang sumusuporta sa mga pagsusumikap na idulog kay Marcos Jr. ang pagtutol ng buong lokal na industriya ng agrikultura sa sa umano’y pakana nina Diokno at Balisacan na ibaba ang taripa.
“It is easy (for Balisacan and Diokno) to say that the tariff reduction will not affect the farmers as they only stay in the offices, far from the mud and hard life of farmers,” ani So.