Mayroon na umanong kabuuang 1,098 na overseas filipino workers ang kwalipikadong makakuha ng libreng housing units sa ilalim ng Pambansang Pambahay Program ng administrasyong Marcos.
Ito ay batay sa datus ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Ang mga naturang overseas Filipinos ay unang dumaan sa ilang proseso bago na-qualify sa naturang programa.
Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development, ang ang mahigit 1,000 OFWs ay kaagad ding i-eendorso sa mga regional offices nito kung saan orihinal silang nakabase.
Sunod dito ay ang pagtukoy sa mga bakante o available na housing units sa ilalim ng programa, at saka isasagawa ang mga nalalabi pang assessment bago tuluyang ipasakamay sa kanila.
Pagtitiyak ng naturang ahensiya, magpapatuloy ang programang pabahay para sa ibat ibang mga sektor, upang matiyak na mas marami pa ang mabibigyan ng libreng pabahay.