Nagpasya ang France na kanilang tatanggalin na ang kanilang ambassador at mga sundalo na nakatalaga sa Niger.
Kasunod ito sa kahilingan ng bagong military ruler sa Niger na dapat ay umalis na ang mga sundalo at ambassador ng France.
Hindi rin kasi kinikilala ng France ang coup leader matapos na mapatalsik si President Mohammed Bazoum noong Hulyo dahil sa kudeta.
Nasa 1,500 na mga sundalo ng France ang nakatalaga sa Niger mula ng maganap ang kudeta.
Hiniling kasi ng dating namumuno sa Niger ang paglalagay nila ng mga sundalo ng France matapos ang nagaganap na kudeta.