Nagtala ng world record si women’s marathon si Tigst Assefa ng Ethiopia.
Sa marathon sa Berlin, ay nagtapos ito ng dalawang oras, 11 minuto at 53 segundo ang 26-anyos na si Assefa.
Nahigitan nito ang record na nagawa ni Brigid Kosgei ng Kenya na naitala noong 2019 sa Chicago.
Si Assefa rin ang nagwagi ng nasabing marathon noong nakaraang taon.
Nakuha naman ni Eliud Kipchoge ng Kenya ang panalo sa men’s division sa Berlin na nagtapos siya ng 2:02.42.
Noong nakaraang Abril 2022 lamang ito ng nagsimulang lumahok sa marathon kung saan lagi itong lumalahok sa 800 meter race.