Nagsagawa ng protesta nitong Linggo ang mga miyembro ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) sa harapan ng Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto sa Sampaloc, Maynila kaugnay ng patuloy na pag-atake sa mga abogado.
Ang protesta ay isinabay nila sa huling araw ng 2023 Bar Examinations.
Kung matatandaan, nitong Setyembre 14 ay naiulat na namatay sa pamamaril ang abogado na si Maria Saniata Liwliwa Gonzales Alzate sa harap ng kanyang bahay sa Bangued, Abra.
Ayon sa grupo, si Alzate naang pang-53 na abogadong napatay mula noong 2016 at pangatlo na sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
Tumitindi na rin anila umano ang red-tagging sa human rights defenders at aktibista maging ang pagsasampa ng mga kaso laban sa kanila na may kinalaman sa terorismo.
Inaanyayahan nila ang mga kapwa abogado at law students na labanan ang pag-atake sa kanilang propesyon.