Nagdeklara ang Special Geographic Area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ng state of calamity nitong Linggo dahil umano sa labis na pagbaha sa lugar.
Una nang naiulat na 27 SGA barangays na dating bahagi ng Cotabato ang sinasalanta ng matinding baha sa ngayon.
Sinabi ng weather service ng PAGASA na nakakaapekto sa bansa ang Southwest Monsoon o Habagat at low-pressure area.
Samantala, inihayag ng BARMM na 25,946 na kabahayan o humigit-kumulang 129,730 indibidwal ang naapektuhan ng pagbaha. Ito ay 60.21% ng buong populasyon ng SGA.
Naapektuhan din ng pagbaha ang 329 ektarya ng lupang pang-agrikultura.