Nababahala ngayon ang mga bansang Estados Unidos, South Korea, at Japan sa isinasagawang military cooperation ngayon ng Russia, at North Korea.
Sa isang pahayag at kapwa tinuligsa nina US Secretary of State Antony Blinken, South Korea Foreign Minister Park Jin, at Japan Foreign Minister Yoko Kamikawa ang aksyon na ito ng Russia at North Korea na mayroon ding posibilidad na trading ng mga armas.
Nanindigan ang naturang mga opisyal na ang ginagawang ito ng dalawang bansa ay mga aksyon nagdudulot ng banta sa regional security na paglabag anila sa UN Security Council resolution.
Matatandaan na una rito ay binisita ni North Korean leader Kim Jong Un si Russian President Vladimir Putin upang makipagtalakayan sa military cooperation ng kanilang mga bansa.
Dahil dito ay nababahala ngayon ang US at South Korea dahil sa posibilidad na makakuha ng dagdag na ammunition at mga armas ang Russia mula sa North Korea na magpapalakas pa sa panggegera nito sa Ukraine.