Plano ng Estados Unidos na magbigay ng advanced long-range missiles para tulungan ang Ukraine sa nagpapatuloy na counter-offensive nito.
Ang ibibigay ng Estados Unidos sa Ukraine ay Army Tactical Missile System (ATACMS) na may range hanggang 190 miles o 300 km.
Makakatulong ito sa Ukraine na matamaan ang Russian targets.
Ayon sa hindi na pinangalanang US officials, sinabi umano ni President Joe Biden sa kanyang Ukrainian counterpart na si Pres. Volodymyr Zelensky sa kanilang pagkikita sa White House nitong Huwebes na makakatanggap ng maliit na bilang ng nasabing tactical ballistic missiles ang Ukraine.
Ipapadala aniya ang nasabing mga armas sa mga susunod na linggo.
Una rito, sa pag uusap nina Biden at Zelensky, inanunsyo ng US na magbibigay ito ng panibagong tranche ng military aid sa Ukraine na nagkakahalaga ng $325 million kabilang dito ang artillery at ammunition.