Hindi magpapatupad ng fishing ban ang gobyerno.
Ito ang nilinaw ni Pangulong Bongbong Marcos sa media interview kaninang umaga sa Iriga City, Camarines Sur.
Aniya, hindi lang maganda ang pagpapaliwanag nito nang sabihin niya ang tungkol sa fishing ban noong namahagi siya ng bigas sa Zamboanga City.
Ang tinutukoy ng Pangulo ay ang pagbabawal na mangisda sa mga breeding grounds, para dumami ulit ang mahuling isda.
Batid din kasi niya kung magpapatupad ng fishing ban, maaapektuhan ang kita ng mga maliliit na mangingisda.
Samanta muling binigyang-diin ni Pangulo Marcos ang kahalagahan ng pagtugon sa over fishing at pagpapalakas ng populasyon ng isda at aquaculture sa bansa.