Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang male appeal ng sexy vlogger at aktres na si Ivana Alawi at napatunayan na iyan ngayong pagpasok niya sa Kapamilya action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo.”
Ayon kasi sa ilang observers, mas dumami umano ang male viewers ng teleserye na pinagbibidahan nina Coco Martin at Lovi Poe dahil sa pagpasok ni Ivana.
Sa isang episode ng “Showbiz Now Na” na YouTube channel ni Cristy Fermin, kasama sina Romel Chika, at Wendell Alvarez, napag-usapan nila ang tungkol sa pagpasok ni Ivana sa “Batang Quiapo.”
Ayon kay Cristy, lalong tataas ang dati nang mataas na rating ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa pag-eksena ni Ivana bilang bagong ka-tandem ni Coco as Bubbles.
“Alam n’yo naman po si Ivana Alawi, maglaba lang nang nakabukaka, ilang milyon na ang views. At siya po ay bahagi ng basang panaginip ng mga kalalakihan,” saad ni Cristy.
Samantala, viral at trending ang five-minute trailer ng “Batang Quiapo” na ipinakita last week na umani ng mahigit sa 10 million views.
Nakakuha ng all-time high record na 478,297 live concurrent viewers ang “BQ” noong Lunes at naniniwala ang management na dahil ito sa eksenang ginamot at nagkita sina Tanggol played by Coco at Bubbles na karakter ni Ivana.