Nanawagan ang pamilya ng mag-asawang pinatay ng mga umano’y miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Huwebes sa Placer, Masbate.
Sa ulat ng (Baretang Bikolnon Online), kinilala ang mga biktima na sina Jover “Dodo” Villegas at Aimee Villegas na tinadtad ng tama ng bala sa Sitio Basak, Brgy. Luna noong Huwebes ng alas-singko ng umaga.
Nabatid na habang pinapastol ni Dodo ang alagang kalabaw ay bigla na lamang siyang binaril ng militar at Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU).
Pero kahit ang misis niya na sumaklolo sa kanya ay pinagbabaril din at patuloy na tinatadtad ng bala ang mula ni Dodo hanggang madurog ang mukha at lumuwa ang mga mata.
“Justice is not that easy to get but I will not give up on you,” sabi ni Jamaica Villegas, anak ng mga biktima, sa kanyang social media account. “I hope that despite your accusations and making up stories, my parents will gradually live.”
Inakusahan ng tropang militar ang mag-asawa na nanlaban daw sa naganap na engkuwentro at may koneksyon umano sa New People’s Army (NPA).
Ayon sa 2nd Infantry Battalion ng 9th Infantry Division, dalawang katao na umano’y mga kasapi ng NPA, ay napaslang sa pakikipag-engkuwentro sa kanila sa Placer, Masbate.
“What kind of soldiers are you, is that how you really think of the people you are supposed to protect?” Marivic Grajo, sabi ng kapatid ng biktima na si Aimee.
“I am still in a difficult state of mind right now, struggling to accept that my siblings were killed by soldiers,”
batay sa kalatas ng Jose Rapsing Command (JRC) – NPA Masbate at iginiit na walang kinalaman sa rebolusyonaryong kilusan ang mag-asawa.
“The lies of the executioners of the state forces are steaming out just to justify their killing of ordinary civilians in Masbate. Ammo-puts even clothed the victims to make their drama realistic,” sabi ni JRC spokesperson Ka Luz del Mar.
Inaasahan na umano ng JRC na maghahasik ng lagim ang AFP-PNP-CAFGU sa buong lalawigan ng Masbate province sa darating na barangay election.
“The executioners intend to declare the entire Masbate as an election hotspot to manipulate the election results and position the candidates of military personnel and Gov. Tony Kho,” anang local NPA command.
(Baretang Bikolnon Online)