Isa ang Metro East o silangang bahagi ng Metro Manila na kinabibilangan ng mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina, at San Juan sa pinaka-peaceful na lugar sa bansa dahil wala masyadong krimen na nagaganap dito.
Katunayan, sa ilang taong pagkokober ko bilang beat reporter sa Eastern Police District bibihira po ako makapagsulat ng mga malalaking crime stories.
Palaging sinasabi ng mga District Director na nakakausap natin na wala talagang malalaking krimen na nangyayari sa kanilang area of responsibility o AOR dahil napaka-peaceful at tahamik ang kanilang lugar.
Ayon sa kay EPD Director Police Brigadier General Wilson Asueta, patuloy umanong bumababa ang crime rate sa mga lungsod na kanilang nasasakupan dahil sa proactive stance ng ating mga kapulisan at aktibong pakikipagtulungan ng mga force multipliers.
Katuwang ng mga pulis sa pagsugpo ng krimen ang mga barangay tanod, barangay security forces at mga volunteer groups, at syempre dahil na rin sa aktibong pamamahala ng mga barangay officials.
Malaking ambag din aniya sa pagsugpo ng krimen ang general policy direction ng local chief executives in terms of crime prevention and control.
Katuwang din ng mga kapulisan ang religious sector at business sector, maging ang private security management sa pagsugpo ng krimen.
Sa totoo lang, napaka-importante po ng community engagement in terms of crime prevention.
Naging disiplinado rin ang mga tao kung saan naging masunurin sila sa mga batas at regulasyon at mga ordinansang ipinatutupad sa kanilang lugar.
So, these are the factors, syempre talaga namang naging proactive ang ating mga kapulisan sa PaMaMariSan o Metro East dahil kung hindi po sila proactive wala po silang makukuhang suporta mula sa community at sa iba’t ibang sektor.
Ayon kay General Asueta, napakadalang na magkaroon ng shooting incident dito sa Metro East.
Kung hindi raw sya nagkakamali, dalawa lamang ang naitalang shooting incident mula Abril hanggang Setyembre simula nang maupo si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. Arestado na umano ang mga suspect sa krimeng ito.
Sinabi din ni General Asueta na maganda ang kanilang crime solution efficiency, ibig sabihin nagta-trabaho nang maayos ang kanilang mga crime investigator na aktibo hindi lamang in terms of crime prevention but also in terms of crime solution.
Sinabi rin ni General Asueta na aktibo rin ang Eastern Police District sa anti-illegal drugs campaign not only in terms of supply reduction but of course the demand reduction activities.
Bukod sa drug awareness activities, araw-araw rin nagmo-monitor at nagsasagawa ng anti-illegal drugs operations ang ating mga kapulisan sa PaMaMariSan.
Ayon kay General Asueta, hindi nya hahayaan ang mga drug syndicate na makapag-operate openly ng kanilang mga ilegal na gawain on the ground.
Ginagawa nila ang kanilang best na ma-prevent at siyempre mahinto ang illegal drugs activities sa street level.
Pagdating naman sa street crimes o petty crimes, bibihira din aniya mangyari ito sa kanilang area of responsibility.
Meron naman ilang insidente ng shop shilfting pero karamihan sa kanila ang naaaresto sa tulong na rin ng mga mall security personnel at business security guards.
Kaya naman lubos ang pasasalamat ni General Asueta sa community dahil sa kanilang active collaboration at engagement sa mga kapulisan.
Base sa datos ng Eastern Police District mula April 22 hanggang September 6, 2023, ang crime index volume ay bumaba sa 223 cases o pagbaba na 12 percent.
Katumbas ito ng kabuuang 1,715 cases ngayong taon kumpara sa 1,938 cases noong 2022 sa kaparehong period.
Samantala, bahagyang tumaas ang crime solution efficiency sa 77 percent ngayong taon kumpara sa 68 percent lamang noong nakaraang taon sa kapareho rin period.