Nagulantang ang mga manonood ng mga pananghaliang palatuntunan dahil sa pasulpot nina Atasha Muhlach at Sandara Parks sa magkaribal na programa, ang “E.A.T” sa TV 5 at sa “It’s Showtime”.
Si Atasha ay tinuturing na showbiz royalty at kasalukuiyang It Girl. Nag-iisang anak na babae nina dramatic actor Aga Muhlach at Binibining Pilipinas-Universe 1994 at Ms. Universe semi-finalist Charlene Gonzalez.
May business degree ang kapatid nina Andres at Luigi sa Nottingham Trent University na naka-base sa United Kingdom.
Opisyal na ipinakilala na ang showbiz royal sa noontime variety show na ang mga poste ay sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon. Tiyak, ang pagsanib ni Atasha sa palatuntunan ay ginawang opisya; para ang masa ay mas makilala at tangkilikin at marahuyo sa Gen Z It Girl
Si Sandara, siempre pa alam nating produkto ng ABSCBN talent show ang “Star Circle Quest”. Naging kapareha ng malditong si Hero Angeles na kung gaano kabilis sumikat, ngayon, kay bilis rin ang pagkalaos.
Nagka-hit song si Parks, may naging pelikula at noong naramdaman na niyang spaghetting pababa na ang karera niya sa Pilipinas nating mahal, bumalik sa South Korea. Nag-career reinvention si Sandara at mas lalong naging tanyag bilang isa sa miyembro ng KPOP girl grouy, ang 2NE1.
Mahal na mahal ni Park ang Pilipinas at kultura nito kaya nga sa YT vlogs, niya ang dami niyang mga paandar tungkol sa pagkain, magagandang lugar at tanawin, pati na rin ang mga tao sa Pilipinas. Mahal na mahal ng mga Kapamilya loyalist ang minsang tinaguriang Pambansang Krung-Krung.
Ano ang mangyayari ngayon sa karera ni Atasha sa “E.A.T”? Tiyak masasanay ang kanyang dancing, singing at hosting skills at ang maging household name at mapalapit sa puso at damdamin ng masang manonood ay kanyang makakamit.
Pag “hinog” na siya sa palatuntunan, pwede na itong itambal sa kung kanino mang VIVA, Sparkle o Kapamilya artist.
Medyo katangkaran itong si Atasha kaya ang mga lalaking vertically challenged, pasensya na lang kayo. Sa mga Sparkle artist, bagay si young miss Muhlach kay Bruce Roeland. Sa VIVA, wala akong matandaang young actor na matangkad. Parang they did not grow silang lahat, huh!
Ngayong nasa VIVA si Atasha, maibabalik na sa sine at telebisyon ang unang branding at trademark nila, na pawang middle class ang bida, sensibilities at surroudings.
Si Sandara, ang pagsasayaw niya sa “It’s Showtime”, tiyak ay one time-big time na kaganapan lamang dahil nga marami itong commitments. Ang isa sa commitment nito na inaabangan, ay ang sinabi niyang artistic collaboration niya kasama ang Southeast Asian Superstar Pop Group, ang SB19.
Ang dapat nating malaman kung ang pagiging host ni Atasha, at ang pagbisita ni Parks, ay nakatulong sa ratings ng mga programang kanilang pinasukan. Chika kasi sa Ekis, mula sa pinagkakatiwalaang ratings provider ng mga advertiser, ang “E.A.T” at “It’s Showtime”, one digit wonder na lamang ang ratings na tinatanggap. Lahat ng mga palatuntunan sa pananghalian, hindi na ganun kataas at katindi ang digits sa ratings. Nanghihinawa na ba ang mga manonood sa entertainment offerings mula sa Singko, Siyete at GTV? Ay! Pang Miss Universe na katanungan, hindi ba naman!
Sa ikinasang giyera patani nina Atasha Muhlach at Sandara Parks, ang nakinabang sa salpukang ito, siyempre ang mga manonood.