Aminado ang aktres na si Andrea Brillantes na once in her life ay naging super crush niya umano ang Kapuso hunk actor na si Paul Salas na boyfriend ngayon ng aktres na si Mikee Quintos.
Sa isang vlog, sinabi ni Andrea na four years old pa lamang siya ay talagang may paghanga na siya kay Paul.
At isa sa mga naitanong sa Q&A session kung sino ang kanilang first crush. Dito nga inamin ni Blythe na ang unang crush niya ay isang Kapuso star.
“Ako po, Paul Salas. Paul Salas kasi nag-audition po ako noon sa Marimar (GMA 7, na pinagbidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes), hindi ako nakuha. Pero napansin po ako ni Sir Dingdong, kinuha niya ako sa parang wedding ng kapatid niya or whatever, tapos ang kasama ko du’n si Paul Salas. Siguro mga four or five years old lang yata ako nu’n, tapos crush na crush ko talaga siya,” saad ng dalaga.
“Crush na crush ko siya noon. Pero ngayon hindi na,” sey pa ng lead star ng Kapamilya series na “Senior High.”
Sabi pa ni Andrea wala pa siyang planong magdyowa uli after ng breakup nila ni Ricci Rivero.
“Hindi na ako magdyodyowa. Matagal, matagal ako bago magdyowa,” sabi ni Andrea.
Samantala, aminado rin si Andrea na hindi siya perpekto at may “toxic trait” rin siya sa mga nagdaang relasyon.
“Ito po promise, binabago ko na siya. As in. I’m trying my best. Gantitera po ako. Gumaganti po pero ano po, applicable lang ito if relationship. Like kapag sa out of the relationship, minali mo ako, I just cut you off pero kapag sa relationship po, gantitera ako. ‘Ha, pa-party ka? Okay, paparty rin ako’. I really like to get even or I even get worse, parang ganiyan. May ganoon po akong ugali,” sabi ng dalaga.
Pero sinabi naman ni Andrea na sa ngayon ay binabago na niya ang pag-uugali niyang ito.
“As in ngayon binabago ko na kasi hindi po talaga maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali,” saad ni Andrea.