AABOT sa 6.8 milyon maybahay ang nagdurusa sa mga kamay ng mga abusadong mister na nais lumaya sa pamamamagitan ng divorce.
Batay ito sa datos ng 2020 Survey on Population and Housing na nakasaad sa liham ng Divorce Pilipinas Coalition (DPC) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Hiniling ng grupo kay Marcos na sertipikahan bilang urgent bill ang Divorce Bill na nakabinbin sa Mababang Kapungan at Senado.
“This figure (6.8-M abused wives), while only a lead indicator, is too large to be ignored. This proves that marriage is not for all couples,” anang DPC sa sulat kay Marcos Jr.
“It also proves that spousal abuse is not an isolated event but is prevalent nationwide, as it is prevalent worldwide across ethnicities and socioeconomic classes,” dagdag nito.
Marami pang kaso anila nang inabusong kababaihan ang hindi naiuulat sa mga awtoridad.
Tanging ang mga walang pagmamahal sa bayan anila ang hindi maantig sa lumalalang reyalidad.
“It is quite safe to assume that these 6.8 million abused wives desire to divorce their abusive husbands. Only the unpatriotic will turn a blind eye and refuse to consider thus ever-worsening reality.”
Anang DPC, marami sa ‘abused wives’ ang patuloy na tahimik na nagdurusa dahil walang kakayahan na makakuha ng legal na tulong kaya’t nananatili sa piling ng abusadong mister.
“Note that a great many of them had escaped from being trapped in the abusive relationship and had been separated-in-fact for at least 5 years , others even more that 20 years,” sabi sa liham kay Marcos Jr.
“So, really, should these 6.8 million victims of abuse be further penalized by not allowing them to legally dissolve their marital bond?”
Batay sa 2017 National Demographic and Health Survey Key Indicator Report, ang pinaka-komprehensibong report hinggil sa pang-aabuso ng asawa, umaabot ang national average incidence sa 26.4%.
Sa 17 rehiyon sa Pilipinas, 10 ang nagpakita ng bilang ng mga insidente na mas higit sa national average.
Nanguna sa listahan ang CARAGA na may 49%, Bicol at Zamboanga Peninsula parehong may tig-43.4% habang sa Eastern Visayas ay 43.2%, sa Central Visayas ay 38%, sa Ilocos ay 33.1%, sa Western Visayas ay 30.3% , sa SOCKSARGEN ay 29.8%, sa MIMAROPA ay 27.2% at sa Davao ay 26.9%.
Nakasaad anila sa 1987 Constitution na ang pangunahing responsibilidad ng pamahalaan ay pagsilbihan at bigyan proteksyon ang mga mamamayan kaya’t kapag may lumabag sa batas o may nabiktima sa ginawang krimen, ang estado ay kailangan parusahan ito.
“Similarly, if a marriage proves to be toxic and harmful to one or both spouses, the State should extinguish the marital bond to save the family from further trauma and allow family to heal without emotional triggers such as having to use the husband’s surname, present a Marriage Certificate, or feel that the Sword of Damocles hangs over the wife’s head because she is still legally married to her husband.”
(ITUTULOY)