Ilang artista mula sa Sparkle GMA Artist Center ay ginawang bahagi ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Campaign ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Layunin ng BIDA Campaign na sugpuin ang pagkalat ng illegal drugs sa Pilipinas.
Lumagda ang mga artista ng isang memorandum of agreement sa GMA Network Center noong Biyernes.
Ang bagong mga mukha ng anti-drug campaign ng administrasyong Marcos Jr. ay sina Rabiya Mateo,Radson Flores, Will Ashley, Sofia Pablo, Allen Ansay, Ysabel Ortega, Bianca Umali, Sanya Lopez, Ashley Ortega, Derrick Monasterio, at Elle Villanueva.
Dumalo sa pagtitipon ang mga ehekutibo ng GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group and CEO ng GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes; Sparkle Vice President Joy Marcelo, at DILG Secretary Hon. Benjamin “Benhur” Abalos Jr.
Sa kanyang opening remarks , sinabi ni Abalos na sa plataporma at dami ng fans ng Sparkle artists, siguradong makaiimpluwensya sila ng mga kabataan.