Naitala ng insurance industry ang pag-angat ng net income nito ng hanggang sa P22billion sa unang semestre ng kasalukuyang taon.
Ito ay may kontribusyon na kabuuang 1.63% sa ekonomiya ng Pilipinas.
Batay sa datus ng Insurance Commission, ang net income ng naturang sektor ay umangat ng hanggang sa 4.23% mula Enero hanggang hunyo, kumpara sa P21.48billion na kita nito sa kaparehong perio noong nakalipas na taon.
Ang 1.63% na kontribusyon nito sa ekonomiya ng bansa ay mas mataas ngayong taon kumpara sa 1.61% sa nakalipas na taon.
Ang life insurance ay nagtala ng P16.37billion. Mas mataas ng 2.58% kumpara sa P15.96billion.
Ang investment insurance ay nagtala ng P1.68 trilyon habang ang assets ay nagtala ng hanggang P1.73 trilyon.