Maluluma si Donya Delilah ng pamosong sitcom na John and Marsha sa awra ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan.
Sa bwisit ng mga tao sa asta ng gov’t executive, binansagan tuloy siyang “Donya Okara.”
“Ano ba ang astahan ni Donya Okara sa pinuntahan niyang lugar?” tanong ng Mimosa sa Barangay na nakalimutang magsuklay.
Aba’y nagpunta pala sa isang island province si Donya Okara upang alamin daw ang perwisyong idinulot ng man made disaster sa kabuhayan ng mga residente roon.
Kaya lang, ilang linggo na ang nakalipas ng disaster bago tumapak sa isla si Donya Okara na animo’y Palasyo ang pinuntahan.
“Kailangang may carpet pa, pinapayungan, at may taga paypay pa si Donya Okara,” nakaismid na sabat ng bagong recruit na Mimosa sa island province.
Hindi na lang raw inilabas ang photo release ni Donya Okara dahil mabibisto ang kanyang tunay na karakter na taliwas sa “projection” niya sa media briefings na nagsusulong ng isang napakahalagang adbokasiya.
Mabuti na lang raw at hindi nadulas si Donya Okara sa malangis na isla sa tigas ng kanyang leeg habang naglalakad.
CLUE:
Malapit daw si Donya Okara sa isang makapangyarihang nilalang sa bansa.
“Tunay kaya ang buhok niya o wig?” usisa ng miron.
‘Yun na!