Ipaparada ng San Miguel Beer ang kanilang bagong import na kararating lang nitong Biyernes ayon kay San Miguel Beer team manager na si Gee Abanilla.
Siya ay si Tyler Stone, isang beteranong player na naglaro sa European circuit.
Anak si Stone ni Sharon Stone, hindi ang bida sa kinagiliwan ng mga mga manonood sa pelikulang Basic Instinct, at ang asawa nitong dating player na si James Bradley.
Ang tatay ni Tyler ay na-draft ng Atlanta Hawks noong 1979 NBA season, kaparehas na taon kung saan kinuhang top overall pick ng Los Angeles Lakers si Magic Johnson.
Si Tyler ang ikalawang Stone na maglalaro sa Beermen.
Noong isang taon, naglaro ng tatlong games sa San Miguel Beer si Diamond Stone matapos ma-injure ang kanilang orihinal na kinukuhabg import na si Thomas Robinson.
Si Robinson ay maglalaro na ngayon para sa NLEX.
Nais ni Tyler na mas tumagal siya bilang reinforcement ng Beermen.
Sa 37 games ng kanyang paglalaro sa Rapid sa Romania Liga Nacional, nag-average si Stone ng 19.5 points, 6.6 rebounds at 8 assists.
Inaasahan namang magiging kahalli si Stone na maglalaro sa No.3 at 4 positions nina six-time Most Valuable Player June Mar Fajardo, Mo Tautuaa at ang nagbabalik na beteranong forward na si Vic Manuel.