Hindi na raw maawat ang pagkalaos ng dating A-lister turned vlogger na si Liza Soberano, sabi ‘yan ng tambalang The Diva That You Love Alwin Ignacio at Showbiz Ultramaldita Alex Brosas.
Iba na kasi ang tono ngayon ni Liza matapos mag-flop ang kanyang Hollywood dream at pangarap na I-rebrand ang kanyang sarili bilang solo artist na si Hope Soberano.
Iniwan niya ang magandang career sa Pilipinas, ang kanyang karelasyong si Enrique Gil at manager na si Ogie Diaz.
Kaya ang buwelta ng kanyang fans, “Babu na, Liza.”
Ang sabi nga ni Brosas, tila hindi naman sa South Korea nagpunta si Liza, kundi sa isang bansa sa Timog Silangang Asya, sa Laos.
Ayon kay Ignacio, parang komedyante na si Liza ngayon, “the joke is on her.”
Sinimulan niya ang kanyang ambisyong rebranding sa talent agency na ang pangalan ay “Careless” kaya huwag na raw magtaka kung bara-bara ang diskarte niya sa kanyang career.
Panoorin ang D’TT Show, Tarayan at Talakayan Showbiz Edition nina Brosas at Ignacio tuwing Sabado at Linggo alas-kuwatro ng hapon hanggang 5 P.M. sa Dyaryo Tirada Facebook Page at Youtube channel.