Iniulat ng International Criminal Court na nakaranas ito ng hacking at data breach sa kanilang system.
Sa isang statement ay sinabi ng isa sa world’s most high profile international institution na naka-detect ito ng mga unusual activity sa kanilang computer network noong nakaraang linggo.
Agad namang nakapagsagawa ng immediate measures ang nasabing korte upang tugunan ang cybersecurity incident na ito ngunit gayunpaman ay tumanggi munang magkomento ang tagapagsalita nito na idetalye kung gaano kaseryoso ang hacking na ito, at kung sino ang posibleng nasa likod nito.
Ang ICC ay ang permanent war crimes tribunal sa The Hague na una nang naitatag noong taong 2022 na pangunahing tumutuligsa sa mga war crimes at crimes against humanity sa iba’t-ibang mga bansa.
Ang database nito ay naglalaban ng mga highly sensitive documents na kinabibilangan ng mga mahahalagang ebidensya na magdidiin sa sinumang akusado sa mga krimeng may kinalaman sa paglabag ng karapatang pantao.
Matatandaang kamakailan lang ay naglabas ng arrest warrant ang ICC laban kay Russian President Vladimir Putin kaugnay sa mga alegasyon ng ilegal na pagdedeport ng mga kabataan mula sa Ukraine, at marami pang iba.